Friday, February 18, 2011

Liham Sa Ilalim Ng Basurahan


Gusto kong isulat ang aking nadarama.

Nang sa bawat salitang mailagda ay mailapag ang bigat ng dinadala.

Upang tinta na lamang ang dumanak sa hapdi ng pagdurusa.

At sa tuluyang pagdaloy nito ang luha naman ang mapatda.

Na ang nginig at takot sa akin ay sa mga titik na lang makita.

O ang galit at pagkabigo ay mariing bakas na lamang ng pluma.

At ang kinababalutang dilim ay aking maisalin sa puting mga pahina.

Upang nang matapos ay maaari ko na itong mabura.

O di kaya'y pilasin ang pinagsulatan at ito'y ibasura.

photo credit : flickr.com - michaeljosh
     

25 comments:

  1. :) ako pag madami ako iniisip, walang kwenta yung mga naisusulat ko sa blog.

    I must admit that Im weak, dinadaan ko sa inuman! hehehe

    ReplyDelete
  2. @mr. chan: hehe ako sabay ang inom at pagsulat pag nasa bahay. kaya madalas halatang bangenge nung nagblog.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. napakalalim.. di ko masisid ahehehe... pero subukan...



    hindi talaga kaya.. sige isulat mo na lang parekoy...

    ReplyDelete
  5. this is beautiful! it didn't feel complete to me, but it's beautiful nonetheless.

    ReplyDelete
  6. hahaha buti nalang walang papel sa blog para di maaksya. backspace lang gagamitin para mabura at malinis na ulit.hahahaha

    ganda nito kuya sean. :D

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. sir sean sigaw ka lang.. ilabas mo lang yan... para gumaan ang pakiramdam mo.... or try mo bisitahin si Big Bossing na nasa itaas kausapin nyo po siya para maibsan yung mga iniisip nyo po... :)

    ----

    God Bless po sayow... :)

    ingats phowzzz... :)

    ReplyDelete
  9. ANG LALIM!!!! haha!

    ako rin sean! ang aking blog ang outlet ng nadarama ko...haha!!! :)

    ReplyDelete
  10. the best.. wahehhehe..

    ReplyDelete
  11. nawa'y ang kalayaan sa pighati ay makamit mo na. :)

    ReplyDelete
  12. ako 'pag depress ako.. gusto ko lang mag-isa. at magmukmok sa kwarto all day.. ayokong makakita ng tao. kasi baka sa kanila ko mabuntong yung inis ko sa mundo.


    ayun... may masabe lang :)

    ReplyDelete
  13. @istambay: hanggang tuhod lang yan ahehe. salamat banjo.

    @miguel: thank you. maybe there should be a positive spin at the end. maybe when i'm out of this rut? hehe.

    @kyle: oo nga ano? ahaha! pag nakita mo akong pindot ng pindot ng backspace, alam mong baliw na ako non! salamat.

    @egG: nahihiya ako sa kapitbahay hehe. tama bisitahin ko na lang Siya mas maigi. salamat eg, ingat ka rin. btw, dalawa ba ang profile mo?

    @sweetish: ay haha! sana nga maging effective sa akin itong outlet na ito, kundi baka kailangang maghanap ng ibang mas effective hehe.

    @kikomaxxx: salamat batman.

    @mu[g]en: maraming salamat mugs. sana nga makalaya ako ng maaga.

    @iamAPv: ay ako ganyan ngayon. worried na nga asawa ko eh. thanks for sharing, allan.

    ReplyDelete
  14. ako nmn ang nag nosebleed... wahahaha its really nice and poetic!

    ReplyDelete
  15. Your poetic sense rocks. You deserve a stripper tonight in your bed.

    Happy friday folk.


    follow my blog here:
    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  16. may pinaghuhugutan kaya ganito kalalim.


    empi

    ReplyDelete
  17. nicely written! ahihi. peel na peel ko ang bawat linya.

    ReplyDelete
  18. Hey Sean are you OK?
    This entry and the one before this medyo malungkot.
    I hope everything is well.

    ReplyDelete
  19. hayaang tuluyang dumaloy ang luha
    ibulalas ang nagtatagong kirot sa puso
    huwag pigilan ang bugso ng damdamin
    dahil pagkatapos ng ulan sisilip si haring araw...

    ReplyDelete
  20. @sean...

    nagkamali kasi ako ng log in... kaya ni-delete ko na lang yung isang comment hehehehe :)

    sana OK ka na po ngayun.. sunday bukas.. simba ka.. hinihintay ka na ni Big Bossing.. hehehe :)

    ReplyDelete
  21. nice poem chong!

    makata na tayo! lol

    ReplyDelete
  22. I love this...at ung ibang blogs mo..kaya makikilaba narin sayo..oo nga pala, akoni

    ReplyDelete
  23. @린코: haha may dugo na naman. thanks nikki.

    @denase: thanks denase. basta ba macho yang stripper na yan, sige. happy weekend!

    @empi: salamat empi.

    @pipay: haha thanks pipay.

    @orally: hi bien. thanks for the concern. i'm trying to overcome my depression. inaaliw ako ngayon ng asawa at ibang tao. thank you :)

    @bleeding angel: ang ganda naman niyan rico/miko. salamat.

    @egG: haha medyo nalito lang ako sorry. salamat eg. naghahanda na ako ngayon para magsimba. thank you!

    @hard2getxxx: salamat papa hard.

    @keatondrunk: thanks kd.

    @uno: salamat uno.

    @akoni: thanks akoni.

    ReplyDelete