Wednesday, December 22, 2010

Spotlight's On Me


Nakaupo ako sa isang sulok. Tulala. Wala akong naririnig sa mga sinasabi ng mga tao sa aking paligid. Masaya sila. Nagkakantahan pa.

Nang tumagal, isa-isa silang umalis ng walang paalam. Isa-isa ring namatay ang mga ilaw. Nagdilim sa loob, ngunit may mumunting liwanag pa rin sa mga kandilang naiwan sa katatapos na pagdiriwang. Maging ang mga ito ay unti-unting naparam, hanggang sa ako'y mabalot ng dilim.

Nanatili lang akong nakaupo. Nakikinig sa katahimikan. Marahan ang paghinga. Blangko ang isipan. Nakikiramdam.

At doon ko siya naramdaman. Mahirap ipaliwanag, pero parang may liwanag na nakatuon sa akin. Liwanag na nanunuot sa aking kaluluwa at unti-unti akong pinupuno ng sigla. Sa gitna ng dilim, nanatili akong tahimik at walang laman ang pag-iisip. Matapos ang ilang sandali, unti-unting kumalat ang liwanag sa labas, at ako'y marahang tumayo at tumungo sa bagong gising na umaga.

Ganyan ang aking huling Simbang Gabi. Naghihintay na makadaupang-palad ang Panginoon. Tahimik, maski ang pag-iisip, walang kailangang hingin o sabihin dahil alam kong alam na Niya. At tulad ng sa bawat araw, ako'y Kaniyang pinagpala. 


photo credit: flickr.com - MarkyBon
    

20 comments:

  1. wonderful post.

    Amen!

    Exhange link naman tayo sean!

    thanks!:)

    ReplyDelete
  2. Wow, ikaw na ang makata Sean, hehehe. :)

    ReplyDelete
  3. wow, how nice. damang-dama ko ito. :)

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng post na 'to Sean. :)

    ReplyDelete
  5. @ pluri : amen! 2 pala blog mo kasi na link ko na dati yung isa.

    @ mugen : hehe. more like trying. hard.

    @ aris and @ nimmy : salamat and meri krismas sa inyo.

    ReplyDelete
  6. first time here.. nice blog sean!.. follow na din kita.. :-)

    ReplyDelete
  7. nice sean! :D a blessed holidays to you! :D

    ReplyDelete
  8. Merry Xmas and thats right dapat icount natin ang blessings natin to stay happy

    ReplyDelete
  9. Sean, ang ganda nito.. be blessed! :)

    ReplyDelete
  10. @ fox : maraming salamat! hope you have a merry christmas!

    @ doc ced : hi doc! hope you enjoy the holidays as well.

    @ hard : merry christmas din! wish each one of us finds happiness.

    @ jc : thanks parekoy. i wish you and your loved ones god's blessings.

    ReplyDelete
  11. This is a beautiful post Sean. Ang makata mo pala! I'm a fan now! Keep it up!

    ReplyDelete
  12. i wanna experience that feeling again
    parang antagal-tagal na

    ReplyDelete
  13. It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.

    Happy Holidays Sean! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)

    Merry Christmas and Happy New Year!

    ReplyDelete
  14. @ louie : haha! thanks, nagpapaka lang naman. merry christmas!

    @ geek : hope you have a blessed christmas.

    @ bien : i hope ma-feel mo ngayong pasko. merry christmas bien!

    @ supladong ofc boy : korek! andami ko nang na-gain di pa tapos ang mga kainan. happy holidays!

    @ aris : sana maligaya rin ang pasko mo :)

    ReplyDelete
  15. I hope you enjoyed your Christmas! Sana naging meaningful and very happy yung Pasko mo. :D

    Advance happy new year too, wag magpaputok, baka maputulan. lol. :P

    ReplyDelete
  16. @ nielz: enjoyed mine, and i hope you enjoyed yours too. happy new year!

    ReplyDelete
  17. @ nowitzki : uy thanks sa pagbasa. :)

    ReplyDelete