Wednesday, June 22, 2011
Blind Date
Dahil sa kabubuyo ng aking mga kaibigan, pumayag na rin akong makipagkita sa kaniya. May kapirasong excitement, kaunting kaba. Hindi tuloy naging mahimbing ang aking pagtulog. Sa mismong araw, nagbihis ako ng kaunti, para naman magmukhang guwapo at kaakit-akit.
Ok naman ang aming pagkikita. Masaya siyang kausap. Palagay ang loob namin sa isa't isa. At sa basa ko sa kaniyang mga kilos, mukha namang gusto rin niya ako. Sa tingin ko, smart and witty naman ako ng gabing iyon. Sana nga lang, ganun din ang nakita niya.
Ako ang nagsabi sa mga nag-reto kong kaibigan na no expectations. Pero eto ako. Ilang araw na. Naghihintay pa rin ng tawag niya. Tuloy, ang dami kong tanong sa sarili. Baka naman masyado akong maagang naging kumportable. O di kaya'y mali lang ang aking basa sa kaniyang mga baraha.
Hay letseng job interview yan! Makataya na nga ng Lotto sa kabilang kanto.
photo from here

Hanap ulit ng bagong mapapagkakitaan. :)
ReplyDelete@mugen: oo nga! sumusubok bumalik sa buhay pagpuputa. hay...
ReplyDeleteoh lotto, that one big jackpot prize that can save the problems of the world. but no. haaist.
ReplyDeleteKalokang entry yan. Good luck!
ReplyDeletegood luck sana makuha mo, if not its not meant for you.
ReplyDeletekala ko totoong date talaga heheheh
ReplyDeleteanyway...
GOOD LUCK po koya sean.... kaw pa sa mga post mo pa lang dito eh ang talinhaga mo na hehehe :D
hehehe, akala ko tungkol sa lovelife?! :D
ReplyDeleteGoodluck sayo Sean! May u find the best job that suits you :D
Goodluck. Kaya mo yan papi. Hope all will be will with you.
ReplyDeleteIs it just coincidence or this is really the time of the year when people think of getting a new job.
ReplyDeleteInterviewers are very annoying dates. they make you return a number of times, they don't dating exclusively and worse, they make you expect.
Sana magkatuluyan kayo.
kaya yan, kuya :)
ReplyDeleteakala ko eyeball.
ReplyDeletekaya mo yan noh! kaw pa.
come here... daming good opportunity for goodlooking handsome guys... hahaha...
ReplyDeleteGood luck!
JJRod'z
kala ko naman anu na yun kuya sean...wahaha!!! good luck sa next interview!!! GO GO GO!!!!
ReplyDeleteHahaha! Nice. tumu-twist ng drama ang lolo.
ReplyDeleteGood luck sa job hunting!
:)
Lol! Ahahahaha
ReplyDeleteHahaha. Naloko ang ng konti - goodluck sa job hunting! =)
ReplyDelete@leo: hahaha oo nga. money can't solve everything.
ReplyDelete@bienvenido_lim: salamat sis.
@lonewolf: thanks papa milch. tama, so i shouldn't lose any sleep over it.
@egG: thank you eg!
@mr. chan: salamat sir!
@desperate houseboy: thank you dh!
@xall perce: ay season pala ngayon. i love your take on this haha. sana nga maging kami hehe.
@spiral prince: thank you spiral.
@greenbreaker: napaghahalata ang aking age. eb na nga pala ang tawag ngayon diyan haha! thanks gb.
@jj rodriguez: ay hahaha tara lipad na ako diyan! thanks jj.
@sweetish: hi ish! thank you!
@ms. chuniverse: maraming salamat ms. chuni!
@dabo: hahaha! hi dabo!
@v1nc3: salamat vince!
tayaan mo ito Sean: 3, 13, 14, 30, 40, 42. balato ha.
ReplyDeletenice... e kuya sean nasan pala asawa mo?
ReplyDelete@^travis: salamat sa tip. hamo malaki balato mo hehehe.
ReplyDelete@kuya kyle: andito sa tabi ko, binubugaw akong makipagkita sa mga interviewers :)
Good bye, sweet alternative other :)
ReplyDelete