Wednesday, June 22, 2011

Blind Date


Dahil sa kabubuyo ng aking mga kaibigan, pumayag na rin akong makipagkita sa kaniya. May kapirasong excitement, kaunting kaba. Hindi tuloy naging mahimbing ang aking pagtulog. Sa mismong araw, nagbihis ako ng kaunti, para naman magmukhang guwapo at kaakit-akit.

Ok naman ang aming pagkikita. Masaya siyang kausap. Palagay ang loob namin sa isa't isa. At sa basa ko sa kaniyang mga kilos, mukha namang gusto rin niya ako. Sa tingin ko, smart and witty naman ako ng gabing iyon. Sana nga lang, ganun din ang nakita niya.

Ako ang nagsabi sa mga nag-reto kong kaibigan na no expectations. Pero eto ako. Ilang araw na. Naghihintay pa rin ng tawag niya. Tuloy, ang dami kong tanong sa sarili. Baka naman masyado akong maagang naging kumportable. O di kaya'y mali lang ang aking basa sa kaniyang mga baraha.

Hay letseng job interview yan! Makataya na nga ng Lotto sa kabilang kanto.

photo from here

21 comments:

  1. Hanap ulit ng bagong mapapagkakitaan. :)

    ReplyDelete
  2. @mugen: oo nga! sumusubok bumalik sa buhay pagpuputa. hay...

    ReplyDelete
  3. oh lotto, that one big jackpot prize that can save the problems of the world. but no. haaist.

    ReplyDelete
  4. Kalokang entry yan. Good luck!

    ReplyDelete
  5. good luck sana makuha mo, if not its not meant for you.

    ReplyDelete
  6. kala ko totoong date talaga heheheh

    anyway...

    GOOD LUCK po koya sean.... kaw pa sa mga post mo pa lang dito eh ang talinhaga mo na hehehe :D

    ReplyDelete
  7. hehehe, akala ko tungkol sa lovelife?! :D

    Goodluck sayo Sean! May u find the best job that suits you :D

    ReplyDelete
  8. Goodluck. Kaya mo yan papi. Hope all will be will with you.

    ReplyDelete
  9. Is it just coincidence or this is really the time of the year when people think of getting a new job.

    Interviewers are very annoying dates. they make you return a number of times, they don't dating exclusively and worse, they make you expect.

    Sana magkatuluyan kayo.

    ReplyDelete
  10. akala ko eyeball.

    kaya mo yan noh! kaw pa.

    ReplyDelete
  11. come here... daming good opportunity for goodlooking handsome guys... hahaha...

    Good luck!

    JJRod'z

    ReplyDelete
  12. kala ko naman anu na yun kuya sean...wahaha!!! good luck sa next interview!!! GO GO GO!!!!

    ReplyDelete
  13. Hahaha! Nice. tumu-twist ng drama ang lolo.

    Good luck sa job hunting!

    :)

    ReplyDelete
  14. Hahaha. Naloko ang ng konti - goodluck sa job hunting! =)

    ReplyDelete
  15. @leo: hahaha oo nga. money can't solve everything.

    @bienvenido_lim: salamat sis.

    @lonewolf: thanks papa milch. tama, so i shouldn't lose any sleep over it.

    @egG: thank you eg!

    @mr. chan: salamat sir!

    @desperate houseboy: thank you dh!

    @xall perce: ay season pala ngayon. i love your take on this haha. sana nga maging kami hehe.

    @spiral prince: thank you spiral.

    @greenbreaker: napaghahalata ang aking age. eb na nga pala ang tawag ngayon diyan haha! thanks gb.

    @jj rodriguez: ay hahaha tara lipad na ako diyan! thanks jj.

    @sweetish: hi ish! thank you!

    @ms. chuniverse: maraming salamat ms. chuni!

    @dabo: hahaha! hi dabo!

    @v1nc3: salamat vince!

    ReplyDelete
  16. tayaan mo ito Sean: 3, 13, 14, 30, 40, 42. balato ha.

    ReplyDelete
  17. nice... e kuya sean nasan pala asawa mo?

    ReplyDelete
  18. @^travis: salamat sa tip. hamo malaki balato mo hehehe.

    @kuya kyle: andito sa tabi ko, binubugaw akong makipagkita sa mga interviewers :)

    ReplyDelete
  19. Good bye, sweet alternative other :)

    ReplyDelete