Sunday, January 16, 2011

Hele Kay Bunso


Abala si nanay sa pagliligpit ng iyong mga gamit.
Di siya matapus-tapos sa pagtiklop ng iyong damit.
Nakasalansan na nang maayos ang mga lata ng gatas.
Ang mga bote at tsupon ay pulos bagong hugas.

Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.

Dumating na si tatay galing sa trabaho.
Sumaglit lang sa labas upang manigarilyo.
Sina ate at kuya, pinasundo na kina lolo.
Maya-maya lamang, darating na rin dito.

Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.

Naku ilang araw na lang at birthday mo na.
Ni regalo kong pamasko, di mo pa nakikita.
Kahon pa lang nito, malaki pa sa iyo.
Naghihintay na lang na ito'y buksan mo.

Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.

Huwag ka nang umiyak, tahan na, tahan na.
Aalis na ng ospital, tayo ay uuwi na.
Huwag ka nang umiyak, Sean, kahit tayo'y kanyang iniwan.
Mahimbing na si bunso, di na siya nahihirapan.

Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.

photo credit : nationwideeggdonation.com
    

23 comments:

  1. sir condolence po. ito pala yung sinasabi nyo. :{

    ReplyDelete
  2. @ kyle : salamat sir. eto nga yung nabanggit ko nang kaunti sa dating post.

    ReplyDelete
  3. I'm sorry for your loss, Sean.

    My condolences to you and your family.

    ReplyDelete
  4. condolence Sean.....

    you'll be in my prayers.

    :/

    ReplyDelete
  5. isang mahigpit na yakap para sayu...

    ReplyDelete
  6. hello.im so sorry for wat happened sa bunso nio.siya na ngayon ang inyong anghel. Huwag po kayong malungkot dahil itaas na xa.watching over us. Stay happy because God knows his plans better than us.

    ReplyDelete
  7. kawawa naman si bunso... :(

    pero im sure masaya siya sa piling ni God...

    im sure pinapanuod kayo non.. dont be sad na po and condolence po

    ReplyDelete
  8. whaat??

    condolence po :( I will pray for bunso.

    ReplyDelete
  9. @ nimmy, @ doc ced, @ grey, @ theo, @ carlo, @ empi, @ engel, @ nowitzki, @ emannuel, @ egG, @ allan:

    maraming salamat sa inyong pakikiramay, yakap at panalangin

    ReplyDelete
  10. chong condolence.. alam kong may mawawala may darating.. not to replace but to give another joy... :)

    ReplyDelete
  11. teh, alam kong mahirap to. ayokong sabihin na kaya mo yan kasi at this point mahirap ihirit yan. pero karirin mo yan. magiging okay din yan. condolence sean. andito lang ako. :)

    ReplyDelete
  12. gusto ko sanang sabihin ang galing nyong sumulat.nakaktuwa. tagos tagusan sa puso. .


    condolence po

    ReplyDelete
  13. Papaalam lang si Greatkid_08 iyo! Salamat sa lahat! isang malakas na kiss sa betlog mo! mwah!

    ReplyDelete
  14. wahhh, napaiyak mo ko dun. condolence bebe. lotsa prayers for you. mwah

    ReplyDelete
  15. @ louie, @ kiko, @ nyabach0i, @ ibanez, @ istambay, @ hard, @ desperate :

    mga pare at marekoy, maraming salamat sa inyong pakikiramay

    @ fafa JR : anong ibig sabihin nito at bakit di na ma-access yung blog mo. wag mo kaming iwan :'(

    ReplyDelete