Saturday, January 22, 2011

Bath House


Kasama ko ang aking asawa sa maiksing pila. Inabot ko ang bayad. "Dalawa," ang sabi ko sa lalakeng nagbabantay sa pinto. May itsura. Pagbabadya kaya sa anyo ng mga parokyano sa gabing ito? Pagkaabot ng sukli ay dinala kami papasok sa loob.

Madilim. Maraming tao. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa mga bagong pasok. Agad kang huhubaran at huhusgahan. Hinubad namin at isinantabi ang natitirang inhibisyon.

Umikot muna kami. Maraming nakatayo sa magkabilang tabi ng daanan. Iba't ibang hugis. Makakapamili ka. Merong nakalaan para sa lahat. Maraming nakangiti. May mga nakangisi. Merong mga tumatango. Ilan ang bumabati. Lahat, may pagnanasa. 

Tumigil kami sa isang lugar na di gaanong madilim. May mga umaaligid, hanggang lumapit ang isa. Pumagitna sa aming mag-asawa. Nagsimula akong kumayod. Ganoon din ang aking asawa. Kabisado namin ang isa't isa. Pero magaling ang bagong kasama. Mapusok siya at marunong sumunod sa aming indayog.

Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.

Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.

Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.

Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."

photo credit : simonlover83.blogspot.com  
     

36 comments:

  1. Obar ba ito? Malamang nagkita tayo.

    *wink wink* :)

    ReplyDelete
  2. di ko nagets ang metaphor ng post mo... abangan ko na lang sa mga comments lol

    anyway,

    boom tarat-tatiya-tiya...
    boom tarat-tatiya-tiya...

    ReplyDelete
  3. Never pa ko nakapunta sa mga place na ganyan hihi.

    ReplyDelete
  4. @ nox : magkakatabi sila - obar, chelu. uy pwede hmmm hehe ;)

    @ carlo : nahila lang ng asawa hehe. gusto raw makita.

    @ egG : oo nga. malamang maraming di maka-relate hehe.

    @ theo : oo bar / club (disco) lang siya. walang kahalayang naganap hehe.

    @ mugen : hahaha. obar, chelu yung kanto nga na yon hehe.

    @ pluri : baka pagbalik mo ng manila mag-sight-seeing ka hehe.

    ReplyDelete
  5. ahehehe nagtry na minsan ako sa disco bar kaso di ko talaga feel. di ako party people kundi party pooper.LOL

    ReplyDelete
  6. nag enjoy ka un ang imporatnte hehehe

    ReplyDelete
  7. giniling festival sa bar ah. =)

    ReplyDelete
  8. wow! puma-party party ka pala ading. wooot wooot! :D

    ReplyDelete
  9. Hindi ko nagets. Haha. Kahit pagakabasa ko ng comments.

    ReplyDelete
  10. the power of imagery. akala ko bathhouse talaga. dirty mind? lol

    ReplyDelete
  11. tama sa bed ka pumunta. malay mo magkita tayo. ako ang kaisaisang tabachoi na babaita na andun! hehe. sabi nila sa obar may mga ipis? limbo na lang para medyo shala! lets go!

    ReplyDelete
  12. kung chelu ito, may kasama akong 2 higante sa tangkad na wafung beki. imposible hindi mo kami nakita. hahahaha

    kung obar naman, naki-cr lang ako. hahahaha

    kita-kits next time!

    ReplyDelete
  13. good pm po..kamusta?nkikibasa lng hehe.visit nman po kayo sa bahay.ingat plge

    ReplyDelete
  14. check out my latest post :) ahehe. i've a gift for you!

    ReplyDelete
  15. @ kyle : kanya kanyang trip lang naman :) actually di na ako mahilig. sinamahan ko lang asawa ko, pero homebody kami talaga hehe.

    @ uno : hehe oo nga. enjoy naman sa pagsasayaw kaso tumatanda na ata talaga.

    @ paci : oo nga haha. gusto ko yung itinawag mo dun. :)

    @ nimmy : paminsan minsan ading hehe.

    @ yow : hahaha. oo nga siguro yung mga nakapunta na dun sa kantong yun ang makaka-relate :)

    @ citybuoy : di ba dirty minds are fertile minds? that's why you're so good at writing :)

    @ nyabach0i : naku sana nga makita kita haha! may ipis? flying ipis? takot ako dun ngek! aba andami mong alam na gimikan! sige makapunta nga diyan pag may time.

    @ nox : naku malabo pa naman mata ko lalo na pag madilim. sana nga magkita tayo dun next time haha!

    @ emmanuel : salamat sa pagdaan. yeah lagi din akong bumibisita.

    @ nowitzki : uy thank you :) yeah nakita ko kanina while i was on the road. di pa lang ako maka-leave ng comment. thanks again!

    ReplyDelete
  16. hindi ko magets din hehehe..bar party.. at un di ko pa din magets parekoy... :))

    ReplyDelete
  17. Namiss ko tuloy ang OBar at Bed bigla. It's been a while. Mas ok pa rin sa akin ang Malater OBar kesa OOBar (Ortigas OBar). Makabisita nga minsan.

    ReplyDelete
  18. anu ba yun bar>> char??]


    partey partey ka pala eh... hihihi

    ReplyDelete
  19. ang sarap mo basahin. so smooth. parang it melts in your mouth.

    ReplyDelete
  20. @ istambay : sorry parekoy. tingin ko di talaga magegets hanggang hindi makapunta sa lugar na yun hehe.

    @ red : baka magkasalubong tayo dun

    @ ceiboh : yeah bar nga hehe. minsan lang naman. mas madalas nung kabataan.

    @ rising mark : hmmm... melts in your mouth... hehe. thank you.

    ReplyDelete
  21. parang bed din siya nung maliit pa. masikip kasi. pero isang beses pa lang ako nakapasok sa O. nung gabi bago humampas si ondoy sa manila. buti na lang di sumama nang me nag aya kundi lumulutang na ko di sa alapaap kundi sa baha the following day. love your entries. =D

    ReplyDelete
  22. @ karla : buti na nga lang di ka nakasama at nabaha! thanks karla :)

    ReplyDelete
  23. I liked how this was written.. hehehe.. Unfortunately, tapos na rin ako sa panahon na tugsh tugsh!! =)

    ReplyDelete
  24. @V1nC3 : thank you :) nagsawa no o nag-settle down? :)

    ReplyDelete
  25. hahaha ngayon ko lang nabasa to... at... wala akong masabi kundi di ko trip yang matataong lugar na yan... nakakatemp kasi..w aheheh... bata pa ang batman.. ahahaha..

    ReplyDelete
  26. Paaaarty!

    Namiss ko tuloy bigla ang Malate.

    ReplyDelete
  27. sounds fun...
    at the same time scary.

    Never done that, never been there.
    Perhaps some day.

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete